đź’ś
DOL
Simple letter lang po
✦ I-tap mo nalang po ✦

Para sa iyo

Good Evening

Good evening sa pinaka maganda kong DOL at BOZZ.

Sa totoo lang, matagal ko na ’to ginagawa. Alam mo naman na hindi na ako masyadong nakakapagbigay ng mahabang messages, pero napapansin ko naman po lahat. Nakikita ko po yung mga reposts mo… at sorry if wala akong matulong minsan sa ganun. Oo, may time na sobrang pagod ka, pero naiintindihan ko naman po ’yun. Minsan bad mood ka pa ata… HAHAHA.

Pero back to the point, nakikita ko po yung mga reposts mo tungkol sa pagkukumpara mo ng sarili mo sa ibang babae. Gusto ko lang pong sabihin sa’yo na hindi mo naman kailangan ikumpara ang sarili mo sa kanila. May sari-sarili po tayong kagandahan.

Alam ko namang hindi mo yun maiiwasan isipin, pero sana ay matigil na po ’yun. Dahil ano ba ’yan… ikaw ang PINAKA MAGANDA SA’KIN. Like, legit. Wala akong pake sa iba, kahit gaano pa sila kaganda sa paningin ng iba. Ikaw pa rin ang pinaka maganda sa’kin, dahil ikaw na po ’yan eh.

At kung sa tingin mo ay hindi mo “ka deserve-deserve” ’tong gantong treatment… sa tunay ay sobrang deserve mo po ito. At sa lahat ng magagandang nangyayari sa buhay mo at sa mga blessings na dumadating, alam kong minsan mahirap paniwalaan kung genuine ba talaga ako o nagca-care lang.

Lalo na’t nauunahan ka pa ng insecurities mo. Pero hindi mo naman kailangang maniwala agad. No pressure. I’ll keep showing you through my actions na sincere ako sa’yo. Hindi mo kailangang tuluyang magbago o maging perfect just to be worthy of someone’s care.

Take your time lang po. Nandito lang po ako palagi, at hindi ako aalis. Sabi ko nga dati, pwede ka pong mag-open ng problema mo sa’kin, at papakinggan kita.

I really really really really love you, Boss

Higit pa sa “I love you 3000.”

I will always love you, DOL, kahit feel mo na minsan ay hindi ka kamahal-mahal, kahit minsan wala kang gana, kahit minsan ayaw mong makipag-usap, kahit minsan gusto mong tumakas sa lahat, kahit minsan gusto mo nang sumuko.

Wag kang mag-alala. ’Tong nararamdaman ko ay hindi magbabago.

I know na sobrang rare kong sabihin ’to sa isang tao… pero:

I love youuu
and I will always choose you
no matter what.
Yours always — pako