Letter nanaman yan sha, syempre naman

Good Eve Bozz ๐Ÿ’œ

Napag-tanto ko na hindi ako makakapagbigay ng letter tuwing weekends, kaya ginawa ko 'to HAHAHAHA. Sana po ma-appreciate mo kahit simple lang ito.

Naisip mo na ba, o minsan ba kinokompara mo yung sarili mo sa mga naging past ko? Kung oo, wag mo na po isipin yun dol ha. Alam ko naman na hindi talaga maiiwasan, pero mas mabuti po kung hindi mo na iisipin pa. Ikaw na po yung nandyan eh, at wala na akong pake sa kanila.

Ikaw ang pinaka maganda sa paningin ko, walang kupas yan. Hinding-hindi ako mapapagod na sabihin sa'yo lagi na ikaw ang pinaka maganda sa lahat, dahil mahal na mahal na mahal na mahal kita.

Hindi mo na po kailangang solohin lahat dahil nandito na ako. Goal ko lang naman ay maging masaya ka, and i treat you the way you've always wanted to be treated and loved, dahil deserve mo po lahat ito.

Pwede kang lumapit sa'kin kung sino ka talaga, hindi lang yung version mo na parang alam mo na lahat. Hindi yung version mo na knows how to smile through everything. Lumapit ka sa'kin kahit pagod ka, kahit galit ka, kahit naiiyak ka, kahit nalilito ka, at kahit may luha sa mga mata mo at wala kang masabi.

Hindi ko naman hinihiling na ayusin mo muna ang nararamdaman mo at sarili mo bago mo dalhin sa'kin lahat yan eh. Kung nasasaktan ka dol, sasamahan kita habang pinagdadaanan mo yun, kahit ano pa yan.

Baka hindi ko minsan kayang baguhin ang mga nangyari, pero sigurado ako na hindi mo na kailangan pang harapin lahat nang mag-isa. Pwede kang magsumbong sa'kin kung pagod ka man o sobrang bigat, nandito lang ako palagi.

Okay lang sa'kin kung may time na ayaw mo talagang magsalita, pero sasamahan pa rin kita, dahil ikaw ikaw nayan HAHAHAHA, mahal na mahal kita eh. Ikaw pa po ba, gandang-ganda ng dol ko na yan, tapos cute pa kahit mala-dragon daw magalit HAHAHAHA.

- your biggest supporter
and the one who will always love you ๐Ÿ’œ

Hindi Ako Mawawala โ€” El Manu